Tuesday, 14 September 2010


Masakit pala ang magmahal
Lalo na at wala kang karapatan
Gusto mo siyang hagkan
Ngunit sarili’y iyong pinipigilan

Siya ay hindi mo pag-aari
Siya sa iyo ay hindi maaari
Sapagkat siya’y malaya pa
Habang ikaw ay hindi na

Mahal mo siya
Mahal ka niya
Ngunit pag-aari ka ng iba
Pag-iibigan ninyo’y kakaiba

Kakaiba…naiiba sa lahat
Pag-ibig ninyo’y bawal
May masasaktan at iiyak
May pusong maaaring mabiyak

Maaatim mo bang lumigaya
Habang may pusong magdurusa?
Kaya mo bang sumaya
Kapalit ng luha ng isa?

Upang maiwasan ito
Isa lang ang naiisip ko
Itigil mo na ang kabaliwan mo
Ayusin mo ang relasyon ninyo.

Huwag kang maging hangal
Pag-ibig ay bigyan mo ng dangal
Siya’y huwag mong ibigin
Puso ninyo’y iyong palayain….

Sunday, 25 July 2010

Proverbs 21:19

It is better to dwell in the wilderness, than with a contentious and an angry woman.

Young man! Being single is horrible – abandoned, empty, forlorn, frustrating, lonely, painful, pitiful, purposeless, sad, and troublesome! But it is worse to be married to an opinionated woman that gets upset with you! Learn this lesson well! Believe it! Save yourself! Marrying the wrong woman is hell compared to the heaven of being single!

Young man! Solomon knew what he wrote! He had 700 wives and 300 concubines (second class wives). The soul pain of a contentious and angry wife for one day can cure a man of desiring marriage! Solomon had 1000. God inspired him to give you a warning: do not marry an opinionated woman. Marriage can be more painful that you can imagine.

Young man! Do you like camping … far out in the woods … by yourself? If you do not, that is fine! Most men would dread such a lonely situation. But remember, such camping is better than living in a fine home with all the creature comforts, if the woman in that house with you is a critical, negative, overbearing, tense, or easily irritated woman.

What is a contentious woman? One with a disposition to contend – who argues, criticizes, disagrees, opposes, quarrels, or questions you. She is full of questions, reminders, and suggestions – all to help you, of course! Rather than doting on you, she will be nagging you; rather than sweetly agreeing, she will be questioning and suggesting alternatives.

What is an angry woman? One who cannot rule her spirit and is easily angered, dissatisfied, irritated, negative, resentful, or upset. She can find something negative about the best event, and she frets and talks most about that. She is never satisfied. She is never content, seldom your sweet lover, but always irritated and stressed about something.

Young man! These odious – hateful and despicable – women will deceive you (30:21-23). They will lure you into marriage, and then it is too late. Remember the rule of ten! Any hint of overbearing before marriage will be ten times worse afterward. Guaranteed! Test her! Ask her to do something she dislikes. If you even smell irritation or detect one fallen facial muscle, run for the woods! Be single for life rather than married to her!

There are many agreeable, cheerful, gracious, submissive, sweet, and reverent women. They can make you feel like a king in seconds, and marriage to them is royal bliss. They are warm, kind, charming, and pleasant. They have no harsh or rough edges. Reject any woman that is even slightly critical, moody, opinionated, or questioning. She does not deserve a husband, ever! You do not deserve such pain! You deserve a real woman!

The odious woman cannot smell her own stench. She thinks she is helpful by prodding, asking questions, stressing over details, giving reminders, expecting perfection, or disliking a choice. If you were to ask her, she would say she is a good woman and wife. If you were to ask her mother, she would praise her as well (Ezek 16:44). But all others must hold their noses at the smell her husband cannot hide to his own shame (27:15-16)!

Young man! Your future is at stake! Learn the warnings in these proverbs about odious women. Believe them! Fear the pain of marriage to such a creature! Be prudent! Test a prospect, and watch her reaction closely. Is her mother a charming, desirable, and gracious woman, or not? Ask married men their opinions, for their sense of smell is finely tuned. Do not rush to marriage! Never take a chance with a fifty-year fate!

Christian woman! Get rid of your opinions, for your desires are to be your husband’s (Ge 3:16). Learn and maximize graciousness, and you will always be loved (11:16). Godly women do not contend with their husbands; they obey, submit, and reverence them (Eph 5:22-24,33; Titus 2:3-5). Godly women are not irritable or negative (31:26; I Pet 3:3-4).

Christian parent! It is your responsibility to train your children from Solomon’s proverbs to get wisdom. Boys should be shown and taught the difference between a gracious woman and odious woman, so they will know what kind to marry. Girls should be shown and taught the difference so that some noble prince of a man will want to marry them.

Friday, 9 July 2010


A teenage girl about 17 had gone to visit some friends one evening and time passed quickly as each shared their various experiences of the past year. She ended up staying longer than planned, and had to walk home alone. She wasn’t afraid because it was a small town and she lived only a few blocks away. As she walked along under the tall elm trees, Diane asked God to keep her safe from harm and danger. When she reached the alley, which was a short cut to her house, she decided to take it. However, halfway down the alley she noticed a man standing at the end as though he was waiting for her. She became uneasy and began to pray, asking for God’s protection. Instantly a comforting feeling of quietness and security wrapped round her, she felt as though someone was walking with her. When she reached the end of the alley, she walked right past the man and arrived home safely. The following day, she read in the newspaper that a young girl had been raped in the same alley just twenty minutes after she had been there. Feeling overwhelmed by this tragedy and the fact that it could have been her, she began to weep. Thanking the Lord for her safety and to help this young woman, she decided to go to the police station. She felt she could recognize the man, so she told them her story. The police asked her if she would be willing to look at a lineup to see if she could identify him. She agreed and immediately pointed out the man she had seen in the alley the night before. When the man was told he had been identified, he immediately broke down and confessed. The officer thanked Diane for her bravery and asked if there was anything they could do for her. She asked if they would ask the man one question. Diane was curious as to why he had not attacked her. When the policeman asked him, he answered, “Because she wasn’t alone. She had two tall men walking on either side of her.” Amazingly, whether you believe or not, you’re never alone. Did you know that 98% of teenagers will not stand up for God? Repost this as Love vs. Sex if you truly believe in God. PS: God is always there in your heart and loves you no matter what and if you stand up for him he will stand up for you. I bet 93% of the people that read this wont repost it. I read this and reposted it. Well I bet you read this note because of the title, didn’t you?

Thursday, 1 July 2010

Kwentong Kababalaghan:

Hindi Ako Iyon!!!

Tuwing dadaan daw ang mga kaibigan ko sa tapat ng bahay naming ay nagtataasan ang mga balahibo nila sa hindi malamang dahilan. Sabi ko naman sa kanila, kasalanan nila iyon dahil kung ano-ano ang iniisip nila. Siyempre, mas kilala ko ang bahay na namin at kung may kababalaghan man na nagaganap doon ay dapat kami ang unang makakaalam dahil doon kami nakatira. Umaga, tanghali’t gabi ay nandoon kami at wala naman kaming nararamdaman na kakaiba. Ito ang palagi kong sinasabi sa kanila. Paniwalang- paniwala ako na walang maligno, multo at kahit na anong mga kakaibang nilikha na totoo. Ang lahat ng iyon ay gawa-gawa at nagmula lang sa malilikot na imahinasyon ng mga taong mayayakutin.

“Totoo! May nakita kaming babaeng nakaputi na namimintana sa inyo kagabi,” sabi ni Maya. Kitang-kita ang takot nito sa mukha.

“Baka si nanay lang ang nakita mo kagabi. Kayo talaga, kung ano-ano ang iniisip ninyo. Hindi totoo ang mga sabi-sabi tungkol sa bahay namin ‘no.

Siguro, kaya maraming mga kwento-kwento tungkol sa bahay naming ay dahil sa katindaan niyon. Nakatira kami sa bahay ng lola ko. Matagal na siyang patay kaya kami na ang tumira sa bahay niya. Maliit lang ang bahay. Wala itong kwarto. Sala at kusina lang ang bumubuo dito. Ang sala ay mayroong dalawang upuang kahoy. Mayroon din itong dalawang bintana, walang palamuti o kahit na anong dekorasyon maliban sa kurtina. Sa gabi ay ginagawa namin iyong silid-tulugan. Ang kusina naman ay kanugnog lang nga sala. Medyo mababa nga lang ito ng konti. Mayroong pinto na nagdurugtong sa dalawang silid ng bahay. Dahil nagtitiis kami’t namamaluktot sa paghiga sa sala ay napagdesisyunan nina nanay at tatay na doon na lang sila matutulog sa kusina habang kami ay mananatili sa sala.

Hindi ako matatakuting tao. Hindi ako agad-agad naniniwala sa mga multo, aswang, tikbalang at kung ano-ano pang mga lamang-lupa na palaging bida sa mga kwento ng mga matatanda na siyang ginagamit nilang pantakot sa mga batang malilikot.

Ngunit mayroong isang pangyayari sa buhay ko na labis na nakakapagpatayo ng aking balahibo sa tuwing naaalala ko.

Tiwalang-tiwala ako noon na hindi totoo ang mga sabi-sabi tungkol sa aming bahay pero isang umaga habang kaming lahat ay natutulog pa, mayroon akong narinig na kumatok sa amin. Umuulan noon kaya binalewala ko ang kumakatok sa aming pintuan. Mas malapit kasi ang kusina na tinutulugan nina nanay at tatay kaya naisip ko na sila na lang ang magbubukas ng pinto para sa aming bisita. Kahit na nakapikit ako ay hindi ako tulog.

“Pedring.” Tawag ng kumakatok sa aking tatay. “Pedring”

‘Ang tagal naming buksan nila nana yang pinto!’ Himutok ko sa isip. Hindi kasi ako makabalik sa pagtulog dahil sa lakas ng katok. Kilala ko ang boses ng bisita namin. Si Tiyo carding iyon. Siguro ay magsasauli ng hiniram na sako na ginamit noong nag-ani sila ng palay.

“Ineng, ikaw na ang magbukas ng pinto.”
‘Ano ba naman si nanay! Ang aga-aga kung mag-utos. Parang alam na alam niyang gising ako’ sabi ko sa isip.

Sa halip na sundi ang utos niya ay nagtalukbong ako ang kumot, namaluktot hanggang sa makabalik ako sa pagkakatulog.

Alas siyete na ng umaga ako muling nagising. Tamang-tama para sa aming almusal. Niligpit ko ang hinigaan namin tulad ng nakasanayan

“Nay,may narinig akong kumatok kanina, ah. Sino po yon?” tanong ko kay nanay. Nakadulog na kami noon sa mesa at kumakain.

“Ah, ang Tiyo Carding mo iyon. Humihiram ng dagdag ng sako. Biruin mo, mas malaki ang inani nila ngayon kaysa nung nakaraan.” Sagot ni nanay.

“Ewan ko ba diyan sa nanay mo. Ang tagal-tagal pinagbuksan ang Tiyo Carding mo. Alam naman niyang umuulan at nababasa ‘yung tao.” Wika ni tatay.

Hindi na umimik si nanay. Nakapagtataka ang ginawa niyang iyon dahil nasanay na ako na palaging nangangatwiran si nanay kapag may sinasabi si tatay na laban sa kanya. Mabilis na inubos ni nana yang pagkain niya. Si tatay naman ay umalis na dahil may aasikasuhin pa raw siya. Habang naghuhugas ako ng plato ay nilapitan ako ni nanay.

“Matagal kong binuksan ang pintuan kanina anak,” pagsisimula ni nanay. Hindi ko alam ang emosyon na nakarehistro sa kanyang mukha. Para siyang takot na takot. Nanginginig ang kanyang mga kamay at namumutla ang kanyang mga labi.


“Nakita kita kanina. Nakaupo ka sa tabi ko habang nagbabasa ng paborito mong libro. Iyan din ang damit na suot mo kanina. Sabihin mo nga, tumabi ka bas a akin kanina?”

“Hindi po ‘nay” nakaramdam ako ng panginginig ng tuhod dahil sa kakaibang kaba at emosyon na lumukob sa aking pagkatao. Nagsitayuan din ang mga balahibo ko sa katawan. “Nandoon lang po ako sa kwarto kanina. Natutulog.” Nahihiya akong sabihin kay nanay na nagtutulug-tulugan ako kanina.

“Inutusan kita kanina na buksan ang pinto dahil gising ka na nga at nagbabasa pa ng libro, pero hindi ka kumilos para sundin ang utos ko. Sa halip ay tumingin ka lang sa aking at ngumiti.”

“Pero, di ba, nay, ganoon ang ginagawa ko kapag ayaw kong magpaistorbo?

“Oo, kaya nga paniwalang-paniwala ako na ikaw iyon. Ako na nga lang ang nagbukas ng pinto. Pagtingin kong muli sa pwesto mo ay wala ka na roon. Hinanap kita at nakita kitang nakatalukbong, nakapamaluktot at mahimbing na natutulog.”

“Pero…, Hindi po ako iyon, nay…”

Sa isinalaysay ni nanay ay lalong nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, natigib ng pawis ang noo ko hanggang sa nandilim ang lahat sa paningin ko. Sa isip ay naiwan ang tanong kung sino ang babaeng iyon na gumaya sa akin.

Hanggang ngayn ay hindi pa rin namin matukoy ni nanay kung ano ang nangyari. Ngunit nag-iwan iyon ng aral sa akin: gawin ang kung anong dapat gawin, sundin ang mga iniuutos dahil mula sa kung saan ay maaaring mayroong sumulpot na nilalang na gagaya sa akin.. at pinakamalala ay baka tuluyan nila akong palitan….



Masakit na ang araw sa balat ni Boy pero patuloy pa rin siya sa pag-aararo ng palayan nila. Siya lang ang mag-isang nagtatrabaho doon dahil ang kanyang inay ay nasa bahay nila. Ito ang nag-aalaga sa kanyang mga nakababatang kapatid. Ang kanyang ama naman ay nasa kabayanan. Naglalako ito ng mga gamut na ito mismo ang gumawa.

Lunes iyon ng umaga. Dapat ay nasa paaralan siya ngunit sa halip na nandoon siya sa paaralan ay nandoon siya sa malawak na palayan na sinasaka ng kanyang tatay. Mahapding-mahapdi na ang kanyang balat dahil sa tindi ng init. Gustuhin man niya na tumigil muna sa pag-aararo upang sumilong ay hindi naman maaari dahil tiyak na magagalit ang kanyang itay kapag hindi natapos ang ipinagagawa nito sa kanya sa araw na iyon. Minsan ay bigla na lang darating ang kanyang tatay sa palayan. Sa tuwing nahuhuli nito na nagpapahinga siya ay pinapalo siya nito ng malakas at binubugbog. Minsan ay inaaway rin nito ang kanyang inay kapag hindi nagustuhan ang kanyang mga ginagawa. Magkagayunman, mahal niya ang kanyang itay. Ito ang bumubuhay sa kanya. Kung wala ito, paano siya mabubuhay sa mundo? Katuwang ito ng kanyang inay sa pagpapalaki sa kanilang magkakapatid. Kahit na minsan ay nagiging malupit na sa kanya ang tatay niya ay pilit pa rin niya itong iniintindi. Sinasabi na lang niya sa kanyang sarili na iguro ay pagod lang ang kanyang tatay kaya lahat ng galit nito sa buong maghapon ay sa kanya ibinubunton.

Habang tahimik lang siyang nag-aararo ay mayroong dumaang eroplano. Kahit na masakit sa mga mata ang init ay pilit niya iyong tiningala at inaninaw. Hangang-hanga siya sa laki ng eroplanong iyon. Sa isip ay nagtatanong siya kung ano ang nararamdaman ng mga taong nakasakay sa eroplano habang nasa hangin ito at lumulipad. Kinawayan niya ang eropano. Baka mayroong makakita sa kanya at pahintuin ang eroplano sa tapat niya. Pagkakataon na rin iyon para makasakay siya.

“Makakasakay rin ako ng eroplano…makakalipad rin ako, Bilog, at iiwanan ko na ang bukid na ito baling-araw.” Kinakausap niya ang kanyang kalabaw.

Punung-puno siya ng pag-asa na matutupad ang simpleng pangarap niya. Iyon lang ang tanging gusto niya- ang makasakay ng eroplano. Naniniwala siya na matutupad iyon. Kapag nagkaroon na ng kaganapan ang kanyang simpleng pangarap ay siya na ang magiging pinakamaligayang tao sa buong mundo!

Nang matapos siya sa pag-aararo ay inayos na niya ang kanyang mga gamit at saka sya umuwi.

“Nandito na po ako, inay.” Masiglang bati niya sa kanyang inay kahit na masakit na masakit ang kanyang katawan mula sa trabaho.

“Mabuti naman. O sige, magpalit ka na ng damit. Pagkatapos ay kumain ka na. alam kong gutom na gutom ka na.”

“Opo, Inay.”

Ito ang gustong-gusto niya sa kapag galing siya sa trabaho sa bukid. Asikasong-asikaso siya ng kanyang inay. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal nito na kailanman ay hindi niya nararamdaman mula sa kanyang itay. Hindi rin niya alam kung mararamdaman pa nga kaya niya iyon.

Masarap ang niluto ng kanyang nanay. Talbos iyon ng kamote na binagoongan at gumawa rin ang kanyang nanay ng sawsawan na may kamatis, sibuyas at suka.

Kasalukuyan siyang kumakain nang dumating ang kanyang tatay na halatang nakainom dahil nangangamaoy alak at namumula ang mukha.

“’tay, kumain nap o ba kayo?” magalang na tanong niya sa kanyang tatay. Idinulot rin niya ang pagkain na labis sa kanya. Ngunit hindi niya inaasahan ang naging tugon ng kanyang tatay. Matalim na tingin ang ipinukol nito sa kanya. Ang mga mata nito ay tila nag-aapoy. Mababanaag ang labis na galit at pagkamuhi nito na lubusan niyang ipinagtaka.

Hindi na lang siya nagsalita pang muli kahit na litung-lito siya sa ikinilos ng kanyang tatay. Baka kapag nagsalita pa siya ay tuluyang bumuhos ang galit at pagkainis nito. Ngunit tila hindi naman mapakali ang kanyang tatay. Mayamaya ay tinawag siya nito sa paasik na tono.

“B-bakit po, itay?” nangigninig na ang kanyang boses. Natatakot siya na baka paluin siya ng tatay niya. May agam-agam pa rin sa kanyang pag-iisip dahil baka hindi nito nagustuhan ang kanyang naging trabaho kanina sa kanilang palayan.

“Huwag mo na akong tatawagin na tatay.”

“P-pero, bakit naman ho?”

“Hindi ako ang tatay mo. Bastardo kang batan ka! Bastardo! Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin niyon? Anak ka sa pagkakasala! Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko? Anak ka ng nanay mo sa ibang lalaki at kahit kalian ay hindi kita maaaring ituring na anak ko!” nilapitan siya ng tatay niya. Marahas na hinawakan ang kwelyo ng kanyang damit dinuraan nito ang kanyang mukha. Pagkatapos ay pabalibag na binitawan siya na naging sanhi ng pagkakalugmok niya sa sahig na kawayan. Ang likod niya ay tila mababali sa sakit dahil sa lakas ng pwersa ng ginawa nito sa kanya.

Masakit man ang ginawa nitong pagbalibag sa kanya at nakakasuka man ang pagdura nito sa kanyang mukha ay wala nang mas hihigit pa sa sakit na idinulot nito sa kanyang puso. Sa musmos niyang pag-iisip ay naging malinaw sa kanya ang lahat. Kaya pala kahit kailan ay hindi niya maramdaman ang pagmamahal mula sa kanyang tatay ay dahil hindi siya nito anak.

“Castro, anong ginawa mo kay Boy?” naghihisterya ang kanyang nanay dahil narinig nito ang pagbulyaw sa kanya ng kanyang itay

“Wala kang pakialam kung ano ang gawin ko sa mga anak ko at sa anak mo. Ako ang nagpapakain at bumubuhay sa inyo kaya wala kang karapatang magreklamo.”

Gustong umiyak ni Boy dahil sa kalagayan niya. Hindi niya akalain na ang tingin sa kanya ng tatay niya ay isang palamunin at pabigat. Na kapag gugustuhin nitong saktan siya-sila, ay hindi sila maaaring magreklamo dahil ito ang bumubuhay at nagpapakain sa kanila. Nang gabi ring iyon ay lumayas siya, ngunit siya niya alam na gising pala ang kanyang ama-amahan. Pinalo siya nito ng pinalo. Masakit ang bawat tama ng pamalo sa Hindi naman niya kasalanan kung bakit nabunis ang kanyang inay ng ibang lalaki. Biktima lang siya at hindi siya ang dapat na pagbuntunan ng sisi at galit!

“Tama na po! Tama na po , itay!”

Nagpatuloy lang ang kanyang itay sa pamamalo sa kanya. Namumula na ang kanyang balat. May dugo na rin na tumutulo mula sa kanyang katawan. Nang masiyahan na ang kanyang tatay ay umalis na ito at iniwan siyang nakalugmok. Para siyang laruan na pinasakitan nito at nang magsawa na ay iiwan. Wala siyang sinayang na sandal. Naglakad siya nang naglakad. Hindi niya alam kung saan siya patungo basta gusto niyang umalis doon. Ang bahay na iyon, na itinuring niyang tahanan niya at pamilya ay hindi naman pala pamilya ang turing sa kanya ng ito ng haligi nito. May takot rin na umusbong sa kanyang isip sa kanyang paglalayas ngunit pilit niyang iwinaksi iyon.

Lumayas siya, hindi alam kung saan patungo. Basta naglakad lang siya nang naglakad hanggang sa inabutan siya ng gutom sa daan. Namimilipit na ang kanyang tiyan sa sakit. Kalahating araw na siyang hindi kumakain. Mayroon pa siyang mga sugat at pasa na tinamo niya mula sa pambubugbog ng itay niya. Wala rin siyang mapagkukunan ng pagkain sapagkat bago sa kanya ang lugar na napuntahan niya. Ang alam niya ay malayo na siya sa kanila. Malayo na siya mula sa kamay ng kanyang ama na nagsisimula nang maging malupit sa kanya.

Sa sobrang gutom at sa init ng panahon ay nagdilim ang kanyang paningin. Pagkatapos ay hindi na niya alam kung ano ang nangyari sa kanyang paligid. Nang magkamalay siya ay wala na siya sa kalye. Hindi na rin nananakit ang kanyang balat sa tindi ng init ng araw. Nandoon siya sa isang silid. Base sa pagkakaayos ng silid ay sigurado siyang hindi iyon ospital. Nandoon siya sa isang malaking kwarto. Nakahiga siya sa malaking kama na mayroong napakalambot na kutson. Nagtataka siya kung paano siya napunta sa lugar na iyon. Muli niyang naramdaman ang pagkalam ng kanyang sikmura.

Mayroong pumasok sa kwartong kanyang kinaroroonan. Isang dalaga na mayroong bitbit na pagkain niya. Nilapitan siya nito at pinakain. Pagkatapos ay muli siyang iniwan. Ni hindi siya nito kinausap. Nagtangka siyang magtanong pero madali itong nakalabas ng kwart at nawalan siya ng pagkakataong makapagtanong

Mayamaya ay may pumasok na naman na isang lalaki sa kwartong iyon. Hindi niya kilala ang lalaki subalit sigurado siya na isa itong banyaga dahil kakaiba ang kutis nito at ang mga mata nito ay kulay berde. Mataas rin ang lalaki.

“Hi, boy, how are you?” tinanong siya ng lalaki.

“I’m fine sir. Thank you for helping me.” Kahit na hindi siya palaging nakakapasok sa paaralan ay mayroon naman siyang alam sa pakikipag-usap sa ingles.

“Good to hear that. What are you doing in the street?” muli ay tanong ng lalaki. Kita niya sa anyo nito ang sinseridad kay hindi siya nag-atubiling isalaysay dito ang lahat ng pangyayari na naging dahilan ng paglaboy-laboy niya sa lansangan.

Naawa marahil sa kanya ang dayuhan kaya kinupkop siya nito at itinuring na isang kapamilya. Palagi siya nitong binibilhan ng mga bagong damit, mga laruan, masasarap na pagkain, pinag-aral rin siya at higit sa lahat ay nadama niya mula rito ang pagmamahal na ipinagkait sa kanya ng taong itinuturing niyang ama sa loob ng mahabang panahon. Nang magbinata na siya ay isinama siya nito sa ibang bansa. Ngayon nga ay maayos na ang kanyang pamumuhay. Ang pangarap niya noon na makasakay ng eroplano ay natupad na at higit pa nga roon ang kanyang nakamit.

Kwentong Romansa

Kahit Ngayon Lang

Nakayupyop lang siya sa isang tabi. Sa loob ng kanyang kwarto at pinipigilan ang luha sa banta nitong paglandas sa kanyang mga pisngi mula sa kanyang mga mata. Inaabot niya ang talampakan niya upang hindi niya masyadong masaktan ang sakit ng mga alaala ng nagdaan gabi.

Kasalanan din naman niya kung bakit siya nagkakaganito ngayon. Dapat ay hindi niya pinaandar o binigyan ng halaga ang emosyon niya. Kung hindi niya iyon binigyan ng halaga ay hindi na sana siya nasasaktan ngayon. Kahit na anong pilit niyang pagpigil ay tuluyan nang nakahulagpos ang luha mula sa kanyang mga mata. Kasabay ng paglandas nito sa kanyang mga pisngi ay nanumbalik sa kanyang alaala ang mga pangyayari na ayaw na sana niyang alalahanin pa.

Nakilala niya si Dictor sa isang sitwasyon kung saan gipit siya sa pera. Kahit na hindi sila magkakilala nito ay pinahiram siya nito ng pera. Magmula noon ay palagi na silang nagkikita hanggang tuluyan na ngang nahulog ang loob niya dito. Pero dahil tipikal na babaeng Pilipina ay hindi niya ipinaalam sa lalaki ang kanyang damdamin para rito. Inilihim niya ito dahil nahihiya siya. Alam niya na hindi sila maaaring magkaroon ng relasyon ni Dictor. Maaaring napapalapit na rin ang loob ni Dictor sa kanya ngunit talagang hindi maaari dahil mali sa mata ng lipunang ginagalawan nila.

Isang hatinggabi ay nagpunta si Dictor sa bahay apartamento na inunupahan niya. Hindi ito lasing. Siya lang mag-isa sa apartment. Ang kanyang kasamang babae ay umuwi pansamantala sa bahay ng mga ito sa probinsya.

“Dictor? Anong ginagawa mo rito? Hatinggabi na, ah” binuksan niya nang maluwang ang tarangkahan ng apartment. “Halika, pasok ka muna”

Magkasabay silang pumasok sa apartment. Naupo si Dictor sa pang-isahang upuan na nasa sala. Malungkot ang mukha nito. Halatang-halata na mayroong malaking problema na kinakaharap.

Dinulutan niya ito ng kape bago siya umupo sa harap nito. “May problema ka ba? Kung maaari akong makatulong ay tutulong ako” sinsero niyang pahayag dito.

Umangat ang mukha ng lalaki. “Hindi ko siya maintindihan, Amanda. Palagi na lang kaming nag-aaway. Lagi siyang humahanap ng dahilan upang mag-away kaming dalawa. Minsan ay umaakto siyang parang bata. Kaya pinagpasyahan ko na magpunta rito upang may mapagsabihan ako ng mga problema ko sa relasyon namin.”

Nakaramdam siya ng awa sa lalaki. Nilapitan niya ito at niyakap. Gusto niyang i-comfort ito. Ayaw niyang makita na nasasaktan ito nang dahil sa isang babae lang na walang konsiderasyon.

“Ayos lang iyan. Huwag kang mag-alala. Alam kong maaayos rin ninyo ang problema ninyong dalawa.”

Gumanti ng yakap sa kanya ang lalaki. Tila sa kanya kumukuha ng lakas upang malampasan nito ang suliranin nito. Matagal silang nanatiling magkayakap. Walang namamagitang salita sa kanilang dalawa. Basta komportable lang sila na nanatili sa ganoong ayos. Alam niyang hindi magandang tingnan ang ayos nila kaya kumalas siya sa pagkakayakap niya rito. Natatakot siya na baka kung saan hahantong ang simpleng yakapan na iyon. Natatakot siya na baka ipagkanulo siya ng kanyang nararamdamang pag-ibig para sa lalaki. Ngunit sa ginawa niyang pagkalas ay hindi pumayag ang lalaki. Muli siya nitong ikinulong sa mga bisig nito at hinanap ng mga labi nito ang mga labi niya. Noong una ay ayaw niyang tumugon ngunit nang lumaon ay hindi na niya napaglabanan ang kanyang emosyon. Matagal bago niya nagawang itulak si Dictor saka mariing sinampal.

“Bakit mo ginawa iyon? Alam mong mali iyon! Hindi dapat para sa ating dalawa dahil mayroong masasaktan.!”

“Alam ko, pero mahirap paglabanan ang damdamin na namamahay sa aking dibdib. Amanda, alam kong mahal mo ako at mahal rin kita. Bakit pa natin ipagkakait sa ating mga sarili ang pagkakataon na maging maligaya sa piling ng isa’t isa?” madamdaming pahayag ni Dictor.

Hindi siya makapagsalita sa rebelasyon nito. Mahal siya ni Dictor! Pero mababalewala lang ang pagmamahal na iyon dahil hindi iyon maaari. Maraming tututol, maraming masasaktan at marami ang maaapektuhan kapag ipagpapatuloy nila ang damdaming iyon.

“Oo, mahal kita… pero hindi sapat ang pagmamahalan lang. Ayaw kong makasakit ng iba. Maaaring mahal natin ang isa’t isa ngunit sa pagkakataong ito ay hindi dapat pairalin ang puso. Hindi tayo dapat na magpatalo sa ating emosyon. Utak ang kailangan natin ngayon.” Pilit niyang tinatanggihan ang pag-ibig ni Dictor. Pero sadyang mahina ang tao sa tukso. Kahit na anong pilit niya sa pagtanggi rito, isang halik lang ay nawawala na siya sa sarili, nakakalimutan na niya ang lahat ng kanyang mga pagdadahilan, nalilimot niya ang umisip ng tama.

“Hayaan mong mahalin kita. Hayaan mong damhin natin ang isa’t-isa kahit ngayon lang. kalimutan natin sila. Tayong dalawa lang ngayon. Ikaw at ako sa sarili nating mundo.”

Tila nawiwindang siya sa lahat ng mga sinasabi ng lalaki. Ayaw man niyang aminin ngunit iyon ang totoo. Mahal niya ito. Kahit na ayaw niya ay pinili niyang pagbigyan ang kanyang sarili kahit isang saglit lang…

Pagkatapos ng gabing iyon, gabi ng saglit na paglimot sa kasalukuyan at realidad ay muling nanumbalik ang lahat. Isang bawal na relasyon ang nabuo at nagwakas ngunit hindi kailanman mawawala ang bakas ng kanilang kapusukan sapagkat dala-dala niya sa kanyang sinapupunan ang bunga ng gabing iyon…at kailanman ay hindi na iyon mabubura sa kanyang pagkatao.