Hindi Ako Iyon!!!
Tuwing dadaan daw ang mga kaibigan ko sa tapat ng bahay naming ay nagtataasan ang mga balahibo nila sa hindi malamang dahilan. Sabi ko naman sa kanila, kasalanan nila iyon dahil kung ano-ano ang iniisip nila. Siyempre, mas kilala ko ang bahay na namin at kung may kababalaghan man na nagaganap doon ay dapat kami ang unang makakaalam dahil doon kami nakatira. Umaga, tanghali’t gabi ay nandoon kami at wala naman kaming nararamdaman na kakaiba. Ito ang palagi kong sinasabi sa kanila. Paniwalang- paniwala ako na walang maligno, multo at kahit na anong mga kakaibang nilikha na totoo. Ang lahat ng iyon ay gawa-gawa at nagmula lang sa malilikot na imahinasyon ng mga taong mayayakutin.
“Totoo! May nakita kaming babaeng nakaputi na namimintana sa inyo kagabi,” sabi ni Maya. Kitang-kita ang takot nito sa mukha.
“Baka si nanay lang ang nakita mo kagabi. Kayo talaga, kung ano-ano ang iniisip ninyo. Hindi totoo ang mga sabi-sabi tungkol sa bahay namin ‘no.
Siguro, kaya maraming mga kwento-kwento tungkol sa bahay naming ay dahil sa katindaan niyon. Nakatira kami sa bahay ng lola ko. Matagal na siyang patay kaya kami na ang tumira sa bahay niya. Maliit lang ang bahay. Wala itong kwarto. Sala at kusina lang ang bumubuo dito. Ang sala ay mayroong dalawang upuang kahoy. Mayroon din itong dalawang bintana, walang palamuti o kahit na anong dekorasyon maliban sa kurtina. Sa gabi ay ginagawa namin iyong silid-tulugan. Ang kusina naman ay kanugnog lang nga sala. Medyo mababa nga lang ito ng konti. Mayroong pinto na nagdurugtong sa dalawang silid ng bahay. Dahil nagtitiis kami’t namamaluktot sa paghiga sa sala ay napagdesisyunan nina nanay at tatay na doon na lang sila matutulog sa kusina habang kami ay mananatili sa sala.
Hindi ako matatakuting tao. Hindi ako agad-agad naniniwala sa mga multo, aswang, tikbalang at kung ano-ano pang mga lamang-lupa na palaging bida sa mga kwento ng mga matatanda na siyang ginagamit nilang pantakot sa mga batang malilikot.
Ngunit mayroong isang pangyayari sa buhay ko na labis na nakakapagpatayo ng aking balahibo sa tuwing naaalala ko.
Tiwalang-tiwala ako noon na hindi totoo ang mga sabi-sabi tungkol sa aming bahay pero isang umaga habang kaming lahat ay natutulog pa, mayroon akong narinig na kumatok sa amin. Umuulan noon kaya binalewala ko ang kumakatok sa aming pintuan. Mas malapit kasi ang kusina na tinutulugan nina nanay at tatay kaya naisip ko na sila na lang ang magbubukas ng pinto para sa aming bisita. Kahit na nakapikit ako ay hindi ako tulog.
“Pedring.” Tawag ng kumakatok sa aking tatay. “Pedring”
‘Ang tagal naming buksan nila nana yang pinto!’ Himutok ko sa isip. Hindi kasi ako makabalik sa pagtulog dahil sa lakas ng katok. Kilala ko ang boses ng bisita namin. Si Tiyo carding iyon. Siguro ay magsasauli ng hiniram na sako na ginamit noong nag-ani sila ng palay.
“Ineng, ikaw na ang magbukas ng pinto.”
‘Ano ba naman si nanay! Ang aga-aga kung mag-utos. Parang alam na alam niyang gising ako’ sabi ko sa isip.
Sa halip na sundi ang utos niya ay nagtalukbong ako ang kumot, namaluktot hanggang sa makabalik ako sa pagkakatulog.
Alas siyete na ng umaga ako muling nagising. Tamang-tama para sa aming almusal. Niligpit ko ang hinigaan namin tulad ng nakasanayan
“Nay,may narinig akong kumatok kanina, ah. Sino po yon?” tanong ko kay nanay. Nakadulog na kami noon sa mesa at kumakain.
“Ah, ang Tiyo Carding mo iyon. Humihiram ng dagdag ng sako. Biruin mo, mas malaki ang inani nila ngayon kaysa nung nakaraan.” Sagot ni nanay.
“Ewan ko ba diyan sa nanay mo. Ang tagal-tagal pinagbuksan ang Tiyo Carding mo. Alam naman niyang umuulan at nababasa ‘yung tao.” Wika ni tatay.
Hindi na umimik si nanay. Nakapagtataka ang ginawa niyang iyon dahil nasanay na ako na palaging nangangatwiran si nanay kapag may sinasabi si tatay na laban sa kanya. Mabilis na inubos ni nana yang pagkain niya. Si tatay naman ay umalis na dahil may aasikasuhin pa raw siya. Habang naghuhugas ako ng plato ay nilapitan ako ni nanay.
“Matagal kong binuksan ang pintuan kanina anak,” pagsisimula ni nanay. Hindi ko alam ang emosyon na nakarehistro sa kanyang mukha. Para siyang takot na takot. Nanginginig ang kanyang mga kamay at namumutla ang kanyang mga labi.
“Nay?”
“Nakita kita kanina. Nakaupo ka sa tabi ko habang nagbabasa ng paborito mong libro. Iyan din ang damit na suot mo kanina. Sabihin mo nga, tumabi ka bas a akin kanina?”
“Hindi po ‘nay” nakaramdam ako ng panginginig ng tuhod dahil sa kakaibang kaba at emosyon na lumukob sa aking pagkatao. Nagsitayuan din ang mga balahibo ko sa katawan. “Nandoon lang po ako sa kwarto kanina. Natutulog.” Nahihiya akong sabihin kay nanay na nagtutulug-tulugan ako kanina.
“Inutusan kita kanina na buksan ang pinto dahil gising ka na nga at nagbabasa pa ng libro, pero hindi ka kumilos para sundin ang utos ko. Sa halip ay tumingin ka lang sa aking at ngumiti.”
“Pero, di ba, nay, ganoon ang ginagawa ko kapag ayaw kong magpaistorbo?
“Oo, kaya nga paniwalang-paniwala ako na ikaw iyon. Ako na nga lang ang nagbukas ng pinto. Pagtingin kong muli sa pwesto mo ay wala ka na roon. Hinanap kita at nakita kitang nakatalukbong, nakapamaluktot at mahimbing na natutulog.”
“Pero…, Hindi po ako iyon, nay…”
Sa isinalaysay ni nanay ay lalong nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, natigib ng pawis ang noo ko hanggang sa nandilim ang lahat sa paningin ko. Sa isip ay naiwan ang tanong kung sino ang babaeng iyon na gumaya sa akin.
Hanggang ngayn ay hindi pa rin namin matukoy ni nanay kung ano ang nangyari. Ngunit nag-iwan iyon ng aral sa akin: gawin ang kung anong dapat gawin, sundin ang mga iniuutos dahil mula sa kung saan ay maaaring mayroong sumulpot na nilalang na gagaya sa akin.. at pinakamalala ay baka tuluyan nila akong palitan….
wew
ReplyDeletekakatakot naman
ReplyDeletedouple ganger tawag dun .. yung multo na gumagaya ng anyo!nangyari ndin yan before sa kaibgan ko habang nagiinuman kmi may gumaya sakanya ako pa nakakita!
ReplyDeletedouple ganger tawag dun .. yung multo na gumagaya ng anyo!nangyari ndin yan before sa kaibgan ko habang nagiinuman kmi may gumaya sakanya ako pa nakakita!
ReplyDeletedili hadlok
ReplyDeletenaranasan ko din yan.....
ReplyDeleteminsan noong bata pa ako,,,,
naglalaro kami ng mga pinsan ko ng tagu taguan,,, akala ko yung pinsan ko na yung nakita ko kase,, kamuka nya talaga,, pero hindi pala sya yun, kase pinauwi na sya, dahil kakain na sila,, kaya ko nalaman kase tinanong ko sya kung nag tago sya non.. pero hindi daw dahil tinawag na sya ng mama nya... kaya kinilabutan ako nun..... yun lang ��
ohhhhmyghodddd
ReplyDelete